Sleep paralysis consists of a period of inability to perform voluntary movements either at sleep onset or upon awakening.
na experience ko na to, i think mga 8 times na.
yung first time na naganap to sakin, syempre nag panic ako. the only part of my body that i could move were my fingers and toes. i was trying to shout for help, pero wala talagang lumabas na kahit kaunting tunog lang. i wasnt able to open my eyes, but i was conscious. 20 seconds lang yata yun. pagkatapos nun, nakamove na ko, at ayoko nang matulog ulit pagkatapos nun. pero nakakaantok din eh, kaya natulog nalang ako. haha. the same thing happened on the second time.
nang 4th time na, i could hardly move my fingers and toes, and the worst was i could feel something on my chest, as in heavy, parang may nakapatong na limang hollow blocks. di na ko nakahinga nang mabuti. masakit rin kasi naiipit yung future ko. hahah. after i think mga 30 seconds, nakamove na ko. buti naman. baka may demon ngang nakaupo sakin nun. lol. parang ganito lang.
nakakatakot rin namang makaexperience ng ganun. di ko lang alam sa sunod na mangyari yun di na ko magising. lol
kaya sinearch ko na, natakot na ako eh. haha. buti nalang, ang daming tulong :)
nang iniwasan ko nang matulog ng supine position at ng medyo binago ko na yung sleeping pattern ko, di ko na to naexperience ulit. hehe. nakakatulong din pala yung paghinga ng mabilis kapag naparalyze na :)
ang problema ko na naman ngayon ay ang masasamang panaginip ko. nakakatakot talaga, kapag nagigising na ko, laking pasasalamat ko na panaginip lang yun.
di ko alam kung bakit kapag nananaginip ako, laging may killer. lol. ang bait bait kong tao at may gustong pumatay sakin. naamaze din ako dahil kapag hinahabol na ako, kay kong gawing isang talon lang ang 10 hakbang na hagdan. kung gawin ko yun sa totoong buhay, nakasaklay na yata ako ngayon. haha.
pansin ko naman, may iisang killer lang sa lahat ng panaginip ko. di ko makita yung mukha, isang malaking tao na may hawak na kutsilyo. parang ganito rin. hindi nga lang nakamask. at di rin Jason ang pangalan :)
nagtataka rin ako kung bakit may mga tao na nalalaman nila na nananaginip lang sila habang nananaginip pa sila, at kaya nilang macontrol ang ginagawa nila. sana kaya ko rin yan. haha.
yun lang.