Dahil sa ginagawa ko tuwing madaling araw, late na ako nakakagising. para sakin, late na ang 8:00am, 5-6am kasi ang normal kong gising :D
sa araw na yon, kelangan ko palang pumuta sa school namin dahil required ang section namin na umattend nd recognition rites, at para na rin ma-sign ang clearance. nakakatamad. EH DI NAMAN AKO HONOR STUDENT, WALA DING AWARD, AT WALA AKONG PAKI KUNG ANUMANG AWARD ANG MAKUKUHA NG MGA SCHOOLAMATE KO, di ko sila close.
nang nagising na 'ko, ayun gising na ako. tas kakain na. sa bag ko nilalagay ni Momay (nanay) ang allowance (oo binibigyan kami ng pera kahit walang pasok, bente pesos nga lang. pfft damot :D). pagtingin ko dun, may P70 pesos. okay na yata tong pamasahe. dahil kelangan ko pang magpaload ng P30 para matext si Pak-ebeg ng buhay kow. Hahaha.
ayun may P40 palang natira. naligo na ko at nagbihis ng shirt at pants (di ako mapormang babae).
pagdating ko sa school, nagtataka ako kung bakit madaming nakauniform. madaming may awards? haha. kaya papasok na ako ng Gym, kaso di ako pinapasok ng dalawang kapalmuks na studyanteng guard. kung walang nakatingin na tao, tinaga ko nalang sana sila at pumasok nalang. haha.
nagdadalawang isip din ako kung uuwi ba ako at magbibihis o uuwi at manonood nlang ng Disney Channel. napilitan din akong bumalik kasi kailangan nga raw pala. kaya yun, pagpunta ko dun, nagtiyaga nalang ako na umupo ng APAT na oras. naiisip kong bombahan nalang ang school namin, wala din naman akong nakuhang award. haha.
ang pinaka ayaw ko sa araw na yon,
- umupo ako ng napakatagal
- P34 ang nagasto ko. Pamasahe. sheyt. napakalaking halaga na yan. sa iang normal na araw P12 lang ang nagagasto kong pamasahe sa jeeplings.
- nagutom ako. at kelangan kong maghinta ng dalawang oras bago dumating sila Momay. (tamad kasi akong magluto,at di ako marunong. haha)
- wala naman akong nakuhang aral. nabored lang.
malagim na araw na yun sakin. di naman kasi laging may exciting na nagaganap sa buhay ko eh. haha
sa araw na to, nagsayang ako ng pera, nagutom, bored, napagod. NA DAPAT itinulog ko nalang. tenks ser.
au revoir parteypipol. "Hai" sa makakabasa nito.
Haha may mga araw talaga na masarap na lang lampasan.
TumugonBurahinhaha buti naman at natatapos din agad
TumugonBurahin