Martes, Abril 19, 2011

kababalaghan sa kama

Sleep paralysis consists of a period of inability to perform voluntary movements either at sleep onset or upon awakening.

na experience ko na to, i think mga 8 times na.

yung first time na naganap to sakin, syempre nag panic ako. the only part of my body that i could move were my fingers and toes. i was trying to shout for help, pero wala talagang lumabas na kahit kaunting tunog lang. i wasnt able to open my eyes, but i was conscious. 20 seconds lang yata yun. pagkatapos nun, nakamove na ko, at ayoko nang matulog ulit pagkatapos nun. pero nakakaantok din eh, kaya natulog nalang ako. haha. the same thing happened on the second time.

nang 4th time na, i could hardly move my fingers and toes, and the worst was i could feel something on my chest, as in heavy, parang may nakapatong na limang hollow blocks. di na ko nakahinga nang mabuti. masakit rin kasi naiipit yung future ko. hahah. after i think mga 30 seconds, nakamove na ko. buti naman. baka may demon ngang nakaupo sakin nun. lol. parang ganito lang.



nakakatakot rin namang makaexperience ng ganun. di ko lang alam sa sunod na mangyari yun di na ko magising. lol

kaya sinearch ko na, natakot na ako eh. haha. buti nalang, ang daming tulong :)

nang iniwasan ko nang matulog ng supine position at ng medyo binago ko na yung sleeping pattern ko, di ko na to naexperience ulit. hehe. nakakatulong din pala yung paghinga ng mabilis kapag naparalyze na :)

ang problema ko na naman ngayon ay ang masasamang panaginip ko. nakakatakot talaga, kapag nagigising na ko, laking pasasalamat ko na panaginip lang yun.

di ko alam kung bakit kapag nananaginip ako, laging may killer. lol. ang bait bait kong tao at may gustong pumatay sakin. naamaze din ako dahil kapag hinahabol na ako, kay kong gawing isang talon lang ang 10 hakbang na hagdan. kung gawin ko yun sa totoong buhay, nakasaklay na yata ako ngayon. haha.

pansin ko naman, may iisang killer lang sa lahat ng panaginip ko. di ko makita yung mukha, isang malaking tao na may hawak na kutsilyo. parang ganito rin. hindi nga lang nakamask. at di rin Jason ang pangalan :)


nagtataka rin ako kung bakit may mga tao na nalalaman nila na nananaginip lang sila habang nananaginip pa sila, at kaya nilang macontrol ang ginagawa nila. sana kaya ko rin yan. haha.

yun lang.

3 komento:

  1. tama ang ginawa mo, binago mo ang posisyon ng pagtulog, mas maiiwasan yan kapag nakatagilid. Iwasan mong kumain bago matulog, speaking of killer in your dreams,hinanhabol ka niya, at nakaktalon ka ng malayo mala superhero, lagi mo bang napapaniginap ang parehong-parehong panaginip? huwag ka mag-alala, nakakatakot pero maganda ang ibig sabihin lalo na sa future. madali lang kontrolin ang panaginip, practice lang, isa dun ay kapag nasa state ka ng sleep paralysis at sinusubikan mo na gumalaw pero tulog ka pa, isa yun sa paraan ng pagising, aware ka na panaginip mo. ang haba ng comment ko, interesting kasi para sakin ito..haha

    TumugonBurahin
  2. Just keep on praying before sleeping lang siguro. And lessen mo ang mga dark thoughts hehehe

    TumugonBurahin
  3. tama si Glentot, kaylan ralax ka at masaya ang pakiramdam bago matulog kung hindi yon muna ang gawin mo.

    if it happened again. ang utak mo lang ang gumagana kasi temporary paralysis nga. Pero pwede kang huminga.

    May nag turo sa akin di ko alam kong may scientific explaination pero it helps a lot.HUMINGA KALANG NG MALALIM. to supply oxygen kinakapos daw tayo ng oxygen for whatever reason kaya ganon ang nangyayari.kaya di maigalaw ang katawan.

    try mo lang.

    TumugonBurahin