Linggo, Abril 29, 2012

Born Again.

After one year, napag isipan ko na magpost ulit.

Hindi maiiwasan na pag-usapan ng masama. Tanggap ko naman na pag usapan ako ng kahit anong kapokpokan at gulo na nagawa ko (na wala naman kasi ang bait ko). Ang masaklap lang ay ang pag usapan ka sa di mo naman ginawa at nagmukha ka pang napakasama. May mga tao na kayang magsinungaling at ipamukha na napakademonyo kong tao para maging "malinis" sila.  

Sa ngayon, shitty ang tingin ko sa buhay ko. Walang kaibigan, walang makausap, jinudge na masama, iniwan, linoko at sinaktan. Bilang isang 4th year high school student last year sa tinitingalang section, naging mahirap para sakin na makaranas ng mga ganun.

Noong nakaraang buwan, narealize ko na walang magagawa sa buhay ko ang pagiging galit. Natuto din akong pasayahin tong sarili ko at kalimutan ang mga kashitan na yon. Sabi nga nila, Karma strikes bigtime. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng iba, basta ang alam ko, tama ako.

Hindi dapat nagpapaniwala agad, hindi sapat ang isang side lang para malaman ang totoo. Hindi rin ibig sabihin na mukha akong asong kalye na naging tao eh ijujudge na ako ng masama. 



"Hindi porket may ear pierce ka, masamang tao ka na. Hindi porket hindi ka na virgin, malandi ka na. Hindi porket may tatoo ka, wala ka ng madudulot na maganda.

Hindi ang mga bagay na to ang nagsasabi kung sino ka. Marami ka pa din namang magagawang maganda kahit ganun ka ah. Kung sino pa nga yung mga mukhang malinis, sila pa yung may masasamang ginagawa eh. Wala kayong karapatan I judge ang isang tao dahil ganun sila. Kasi sa totoo lang, kasing dumi niyo lang din sila. Baka nga mas masahol pa." -Anonymous

Nakakainspire.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento