Martes, Mayo 1, 2012

Mahal Kong Kapatid

Masayang magkaroon ng batang kapatid. Meron kang mapag uutusan, uutuhin, mapag tatawanan, mapag iinitan at mapag uusapan ng nonsense. 


Ilan sa mga rason kung bakit nasabi kong masaya: 
-Hahawak ka sa kili-kili ng instant grand patago ng di niya alam at ipapaamoy sa kanya. Vice versa. 
 -Mag aappear-disappear hanggang sa magsawa. 
-Habang nanonood ng horror, biglang i-ooff ang lights, tatakbo palabas ng kwarto sabay hold ng doorknob sa labas hanggang umiyak siya. 
-May kasama akong manoon ng Cinema One 
-"Amoy my Good Breath" war 


 ****** 


 PINOY HENYO MOMENT 
Ako: Sirit! 
Little Sisa: Correct answer is... Kulangot!


Ako: Sirit! (nakasulat sa board: MARBALLS) Baka marbles.


 ******


WHILE WATCHING CLOSE TO YOU.
Kung hindi nyo to alam, eto. Hihihi.http://www.pinoymovie.co/close-to-you


Ako: Sino gusto mong magkatuluyan?
Little Sisa: Si Bea at si Lance (Sam Milby). *Kilig face*
Ako: Wrong answer. Iwanan na nga kita dito. Bahala ka mag-isa.
Little Sisa: Sige na nga! Bea at Palits (John Lloyd)! *Sabay iyak*


Ganyan niya kagusto na magkatuluyan si Bea at Sam Milby.

******
Minsan, naaamaze din ako sa mga kwento at natatanong niya.


-Ate, kelan maghihiwalay si Angel at Phil Younghusband?
-Ate alam mo kinakain ko kulangot ko noon. Maasim.
-Ate, ano yung tomato? Yung color pink?



Nang nakuha niya yung Christmas gift niya last year, eto sinabi niya: "Di naman to yung wish ko kay Santa Claus, mama ikaw ba nagwish nito?!"

While naglalaro sa Y8.com, bigla siyang sumigaw: Ate bat walang lumalabas na "Power Puff Girls"?! Nang nilapitan ko, Power POP Girls pala tinype niya. Singers?



ATE, buntis daw si Marian Rivera.


******


BTW, 8 years old siya. Aylabyah <3

2 komento:

  1. andaming beses kong pinanood sina bru at palits pero di ko naimagine na magiging sila ni lance lol! angkulet ni little sisa

    TumugonBurahin
  2. Hahaha. Napapangitan daw kasi siya kay John Lloyd kaya di sila bagay :D Super kulit :D

    TumugonBurahin