Martes, Mayo 15, 2012

Happy Mother's Day!

Happy Mother's day sa lahat ng nanay dito sa mundo at sa kalawakan, especially sa mama ko.

Mahal ko ang mama ko:
-kasi di niya ako pinalo sa 16 years of existence ko sa mundong ito
-kahit na fan siya ni Hee Jun Han (kung nanonood ka ng American Idol 11, makikilala mo siya) sa Facebook
-kahit nilike niya ang FB fanpage ng Tom and Jerry
-kahit na umiiyak ka pag nanonood ng The Bachelor
-kahit na pag manonood tayo ng sine, kumakain ka ng Chicharon at lansones
-kahit na ayaw mong manood ng Family Guy kasi di mo magets

 I can't remember when was the last time that I said I love you. I find it funny and embarrasing to say that infront of you. In my entire life, I never felt that I didnt love you even in the worst situations. All I know is, I am very thankful that I have you as my mom. I want to thank you for all the love, the support and everything that you provided for me. Ma, you are irreplaceable. Your love will never be overpowered by any other person. <3

 I love you everyday mama, happy mother's day. Let us cherish and love our moms because they deserve it.

Lunes, Mayo 7, 2012

My Top 6 Tagalog Movie Dialogues


Mahilig akong manood ng tagalog movies kaysa sa mga foreign. Mas nakakarelate kasi ako at mas naiintindihan ko agad. Dahil dito, eto ang mga paborito kong mga dialogue mula sa mga tagalog na pelikula.

#6. From Babe, I Love You
Nico: Did you have an affair with Tito Boy? Yes, you did! Is he one of your customers? How many customers have you slept with?
Sasa: Yung totoo? Di ko alam eh, 20, 50 1,000? Pero mahalaga pa ba yun? Tapos na yun, Nico! Di na importante yun.

#5. from My Amnesia Girl

Irene: Ikakasal daw kasi ako dati. Kaya lang iniwan daw ako nung lalaki sa altar.
Pol: Hindi ba sinabi kung sino daw yung lalaking yun?
Irene: Hmm, ewan ko.
Pol: Walang pangalan?
Irene: Di na sinabi sakin eh. Baka mapatay ko lang daw .
Pol: Kahit pictures wala, walang?
Iren : Hmm, wala. Sinunog na daw nila e. Para wala na kong maalala. Grabe no? Anung klase kayang tao ang gagawa nun? To think na alam niya na ulila ako. Ang tagal tagal ko nagdasal na sana may makasama ako habang buhay. Sabi nila, sobra ko daw saya nung araw ng kasal ko. It was a bright and sunny day. Everything was so magical. I was a glowing bride to a perfect groom in a perfect wedding. Pero mali pala ako. Pagkatapos daw umalis nung lalaki, nagtago lang daw ako sa likod ng altar tas dun lang ako umiyak ng umiyak. Hinihila na nga raw ako ni Poch para umuwi pero sabi ko ayoko, ayoko daw. Dun lang daw ako. Hihintayin ko lang siya. Kasi sabi ko babalik yun. Hindi niya magagawa sakin yun . Pero mali na naman ako.

#4. from One More Chance

Popoy: Eh ano nga kasi ang problema?
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema! Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko nang sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo, para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko, pero hindi eh. Sama sama kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo. Sana ako pa rin.Ako na lang. Ako na lang ulit. 


#3. from One More Chance
Basha: Sana kaya ko na lang tiisin itong nararamdaman ko kasi ako ang humiling nito diba. Ako yung may gusto. Sana kaya ko sabihin sayo na masaya ako para sa iyo, para inyo. Sana kaya ko, pero hindi.
Popoy: She love me at my worst. You had me at my best, at binaliwala mo ang lahat and you chose to break my heart.

#2. from No Other Woman
(Lines lang to)
Naku. Huwag na. Baka Makita mo pang nilalagyan ko ng lason ang pagkain mo. Joke lang. Medyo off yung humor ko lately. –Charmaine
Mababaliw siguro ako kapag nalaman kong may babae siya. Baka mapatay ko iyong kabit. Silang dalawa, actually. -Charmaine
You can call me anything you want: a snake, a bitch, an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife. – Kara


at ang paborito ko :)
#1. from Close to You


Bea: Ang sabihin mo duwag ka lang! Di ka lang insecure, duwag ka pa! 
Bea: Talaga! Dahil kung mahal mo ako, dapat ipaglaban mo ko! 
John Lloyd: Bakit, kung sinabi ko ba sa iyo dating mahal kita noon, sasabihin mo rin sa aking I love you too? 
Bea: Oo! Siguro. Hindi ko alam. Ewan ko. Naguguluhan ako eh, feeling ko kasi, feeling ko mahal kita higit pa sa isang kaibigan. 
John Lloyd: Gustong gusto kitang yakapin. Gustong gusto kitang halikan. Gusto ko maging tayo. Maging akin ka. pero dahil matalik mo akong kaibigan, gusto kong mag-isip kang mabuti. Kung yan na ngayon. Dahil baka naguguluhan ka lang. Natatakot ka dahil bago pa lang kayo ni Lance. At kahit na alam ko na dahil binibigyan kita ng panahon para makapag-isip posibleng ma-realize mo na hindi pala ako ang pipiliin mo. Ganito pa rin ang sasabihin ko sayo. Ganito pa rin Marian.



-Andaming drama! Yun lang. Thanks for viewing.

Martes, Mayo 1, 2012

Panaginip.

Sabi nang napanood ko sa TV, pag nananaginip ka, subconscious mo daw to na may gustong sabihin sayo. Pag nagkakaroon ka ng nightmare na paulit-ulit, it has something to do daw with what you do in real life and your dream is trying to portray it. Sa pinanood ko na "Celebrity Nightmares Decoded", may isang expert na pinagsasabihan nila ng panaginip nila at pagkatapos ay ibibigay ng expert kung ano ang mga symbols ng mga bagay sa panaginip ng celebrity. Pagkatapos nun ay bibigay siya ng over all review dito. Nagcoconfirm at nashoshock ang mga celebrity dahil ang mga sinasabi ng expert ay may something to do sa buhay nila. Di ko alam, baka stalker lang siya ng mga celeb.

Magshashare ako sa ilan kong panaginip na kinatakutan ko:

-Nakalimutan ko kung pinapanood ko lang yung sarili ko o nasa loob talaga ako ng sarili ko. I was in our house partying. Yung parang American style na mag iinvite ka ng mga tao sa bahay niyo pag lumakwatsa ng very long yung parents mo. In the middle of the party, a man suddenly went inside our house. If you already read my post "Kababalaghan sa Kama", the man was this Jason look alike with no face. It was the first time that he appeared in my dream. Then, he killed the people in his way. I forgot what thing he used, I'm not sure if it was a knife or a chainsaw. When he saw me, I immediately ran upstairs. Then I went inside a room and hid inside the cabinet. It had a secret passage at the bottom. Another person who I don't know was also hiding inside so I lay down beside her/him. I saw the killer come inside the room then went out. When the place was silent, I went out and saw policemen and murdered people everywhere.


-I was in our classroom with my classmates, there were no chairs and tables, all of us were doing our own business. Suddenly, we heard gunshots. An army tank stopped outside the room which made us terrified.  A group of people who looked like Chinese/Japanese came inside and shot my classmates using an M16. I immediately covered myself with blood and pretended that I was dead. When they were gone, I looked around and again, everyone was bloody dead.


Meron akong nightmare na paulit-ulit ng bata pa ako. Kung iniisip ko, hindi ko alam kung bakit nakakatakot, pero ang alam ko lang, nakakatakot pag nasa panaginip ako. Eto yun: I was in a dark place and I could see gargantuan ceiling fans.  It was moving slowly and people in the place were betting for the fan that they want. Parang sabungan lang, pero ceiling fans yung sinusugalan nila. I still don't know why I woke up terrified, sweaty and teary eyed when I dream of it.



Sa ngayon, wala na akong napapanaginipan na nakakatakot at wala na ding sleep paralysis. Horray.

Mahal Kong Kapatid

Masayang magkaroon ng batang kapatid. Meron kang mapag uutusan, uutuhin, mapag tatawanan, mapag iinitan at mapag uusapan ng nonsense. 


Ilan sa mga rason kung bakit nasabi kong masaya: 
-Hahawak ka sa kili-kili ng instant grand patago ng di niya alam at ipapaamoy sa kanya. Vice versa. 
 -Mag aappear-disappear hanggang sa magsawa. 
-Habang nanonood ng horror, biglang i-ooff ang lights, tatakbo palabas ng kwarto sabay hold ng doorknob sa labas hanggang umiyak siya. 
-May kasama akong manoon ng Cinema One 
-"Amoy my Good Breath" war 


 ****** 


 PINOY HENYO MOMENT 
Ako: Sirit! 
Little Sisa: Correct answer is... Kulangot!


Ako: Sirit! (nakasulat sa board: MARBALLS) Baka marbles.


 ******


WHILE WATCHING CLOSE TO YOU.
Kung hindi nyo to alam, eto. Hihihi.http://www.pinoymovie.co/close-to-you


Ako: Sino gusto mong magkatuluyan?
Little Sisa: Si Bea at si Lance (Sam Milby). *Kilig face*
Ako: Wrong answer. Iwanan na nga kita dito. Bahala ka mag-isa.
Little Sisa: Sige na nga! Bea at Palits (John Lloyd)! *Sabay iyak*


Ganyan niya kagusto na magkatuluyan si Bea at Sam Milby.

******
Minsan, naaamaze din ako sa mga kwento at natatanong niya.


-Ate, kelan maghihiwalay si Angel at Phil Younghusband?
-Ate alam mo kinakain ko kulangot ko noon. Maasim.
-Ate, ano yung tomato? Yung color pink?



Nang nakuha niya yung Christmas gift niya last year, eto sinabi niya: "Di naman to yung wish ko kay Santa Claus, mama ikaw ba nagwish nito?!"

While naglalaro sa Y8.com, bigla siyang sumigaw: Ate bat walang lumalabas na "Power Puff Girls"?! Nang nilapitan ko, Power POP Girls pala tinype niya. Singers?



ATE, buntis daw si Marian Rivera.


******


BTW, 8 years old siya. Aylabyah <3

Linggo, Abril 29, 2012

Born Again.

After one year, napag isipan ko na magpost ulit.

Hindi maiiwasan na pag-usapan ng masama. Tanggap ko naman na pag usapan ako ng kahit anong kapokpokan at gulo na nagawa ko (na wala naman kasi ang bait ko). Ang masaklap lang ay ang pag usapan ka sa di mo naman ginawa at nagmukha ka pang napakasama. May mga tao na kayang magsinungaling at ipamukha na napakademonyo kong tao para maging "malinis" sila.  

Sa ngayon, shitty ang tingin ko sa buhay ko. Walang kaibigan, walang makausap, jinudge na masama, iniwan, linoko at sinaktan. Bilang isang 4th year high school student last year sa tinitingalang section, naging mahirap para sakin na makaranas ng mga ganun.

Noong nakaraang buwan, narealize ko na walang magagawa sa buhay ko ang pagiging galit. Natuto din akong pasayahin tong sarili ko at kalimutan ang mga kashitan na yon. Sabi nga nila, Karma strikes bigtime. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng iba, basta ang alam ko, tama ako.

Hindi dapat nagpapaniwala agad, hindi sapat ang isang side lang para malaman ang totoo. Hindi rin ibig sabihin na mukha akong asong kalye na naging tao eh ijujudge na ako ng masama. 



"Hindi porket may ear pierce ka, masamang tao ka na. Hindi porket hindi ka na virgin, malandi ka na. Hindi porket may tatoo ka, wala ka ng madudulot na maganda.

Hindi ang mga bagay na to ang nagsasabi kung sino ka. Marami ka pa din namang magagawang maganda kahit ganun ka ah. Kung sino pa nga yung mga mukhang malinis, sila pa yung may masasamang ginagawa eh. Wala kayong karapatan I judge ang isang tao dahil ganun sila. Kasi sa totoo lang, kasing dumi niyo lang din sila. Baka nga mas masahol pa." -Anonymous

Nakakainspire.




Martes, Abril 19, 2011

kababalaghan sa kama

Sleep paralysis consists of a period of inability to perform voluntary movements either at sleep onset or upon awakening.

na experience ko na to, i think mga 8 times na.

yung first time na naganap to sakin, syempre nag panic ako. the only part of my body that i could move were my fingers and toes. i was trying to shout for help, pero wala talagang lumabas na kahit kaunting tunog lang. i wasnt able to open my eyes, but i was conscious. 20 seconds lang yata yun. pagkatapos nun, nakamove na ko, at ayoko nang matulog ulit pagkatapos nun. pero nakakaantok din eh, kaya natulog nalang ako. haha. the same thing happened on the second time.

nang 4th time na, i could hardly move my fingers and toes, and the worst was i could feel something on my chest, as in heavy, parang may nakapatong na limang hollow blocks. di na ko nakahinga nang mabuti. masakit rin kasi naiipit yung future ko. hahah. after i think mga 30 seconds, nakamove na ko. buti naman. baka may demon ngang nakaupo sakin nun. lol. parang ganito lang.



nakakatakot rin namang makaexperience ng ganun. di ko lang alam sa sunod na mangyari yun di na ko magising. lol

kaya sinearch ko na, natakot na ako eh. haha. buti nalang, ang daming tulong :)

nang iniwasan ko nang matulog ng supine position at ng medyo binago ko na yung sleeping pattern ko, di ko na to naexperience ulit. hehe. nakakatulong din pala yung paghinga ng mabilis kapag naparalyze na :)

ang problema ko na naman ngayon ay ang masasamang panaginip ko. nakakatakot talaga, kapag nagigising na ko, laking pasasalamat ko na panaginip lang yun.

di ko alam kung bakit kapag nananaginip ako, laging may killer. lol. ang bait bait kong tao at may gustong pumatay sakin. naamaze din ako dahil kapag hinahabol na ako, kay kong gawing isang talon lang ang 10 hakbang na hagdan. kung gawin ko yun sa totoong buhay, nakasaklay na yata ako ngayon. haha.

pansin ko naman, may iisang killer lang sa lahat ng panaginip ko. di ko makita yung mukha, isang malaking tao na may hawak na kutsilyo. parang ganito rin. hindi nga lang nakamask. at di rin Jason ang pangalan :)


nagtataka rin ako kung bakit may mga tao na nalalaman nila na nananaginip lang sila habang nananaginip pa sila, at kaya nilang macontrol ang ginagawa nila. sana kaya ko rin yan. haha.

yun lang.

Sabado, Abril 16, 2011

Sige iyak lang.



Ganito ang naging reaction ng 7 year old na kapatid ko nang naglayas at tumambling mula sa bibig nya ang central incisor nya (yung dalawang ngipin na parang chicklet sa front). normal na reaction sa akin ang tumawa kung umiiyak sya. haha



ganito naman ang naging reaction niya nung hindi binili yung pinabibili nyang isang pack nang wafer. dahil DALAWANG pack ang gusto niya.

normal naman na tumawa ng tumawa ako at kinodakan na naman ito. mas natawa pa ako nang makita ang deformed face niya habang iyak at sigaw ng sigaw.

spoiled kid. pero normal nalang yata yan sa mga bunso. mag iisang dekada muna ako bago masundan ng alien na to, at sa panahong iyon alam ko na naging spoiled din ako.

yun lang.